Kulang ang salamat upang maipahatid namin itong sayang nadarama’t kayo’y nakilala sa inyong tagatasa’t at tagapaghubog namin.
Kayong gulugod ng unibersidad na ito ang bumubuo at humuhugis sa aming mga pangarap. Kaya’t ang blog na ito ay inaalay namin sa inyo aming mga pinahahalagahang guro.
Hindi naging hadlang ang kahirapan upang siya ay makapagtapos sa Bulacan State University sa kursong BSED major in Social Studies. Sa halip ito ang nagsilbing motivation sa kanya upang mas pagbutihin pa niya ang kanyang pag-aaral. Hindi rin naging sagabal sa pag-abot nang kanyang pangarap ang pagkamatay nang kanyang ama at upang maging isa sa mga hinahangaang guro sa BSU.
Ang kanya raw kagwapuhan ang mayroon siya na wala ang ibang guro. Nakita ko naman ‘yun bilang kanyang estudyante sa Psycho. Siguro di lamang ‘yun ang mayroon siya na nagpaangat sa kanya. Hindi nga dahil siya rin ay isang matiyaga at sobra ang pagmamahal para sa kanyang mga estudyante.
Gustong gusto niya ang pag-travel sa iba’t ibang lugar. Katunayan nito ang mga larawan sa ibaba.
Corregidor Island
Pagpunta niya sa Bohol
Ayaw na ayaw naman ni sir ng PASAWAY (lahat naman ‘di ba ng teacher).
Ayaw din niya ang mga lumalabag sa 12 utos ng kanyang itinatag na relihiyon para sa
kanyang mga estudyante. Ito ang Iglesia ni Bong.
INB-Ang 12 utos undiscovered pa ang iba...
1.*************
2.*************
3.*************
4.*************
5.*************
6.*************
7.*************
8.Bawal ang kumain ng may cheese na spaghetti.
9.*************
10.*************
11.Bawal ang magpahuli sa lahat ng pagkakataon at lugar.
12.Kapag nahuli wag aamin.
-28 taong gulang
-Propesor sa Bulacan State University
-Dalubhasa sa Araling Panlipunan.
-Isang masayahing tao Nag-iisa, siya siMr. Ruben Esmalde Borja.
The SpongeBob Lover
Narito ang kanyang kanyang sponge bob collection.
Upang mas maipadama ko ang aking pasasalamat sa aking guro narito ang isang tula na mula sa aking puso.
T- talagang kaysarap magkaron ng pangalawang magulang katulad ninyo.
H-eto kaming mga estudyante sa inyo'y vow na vow kami.
E-lementary, sa high school at sa kolehiyo
S-alamat ang maiiregalo.
H-aay.Sana'y mapatawad ninyo.
A-ng aming mga pagkukulang at kakulitan.
R-ararara.(Tawang puyat)
P-angako namin lagi, sa inyo'y makikinig. Mapa
E-nglish, math,
N-eurons at draw
E-h aba! Sa klase ninyo ay sobrang saya.
R-iver-flowing thanks...Muawwah. Isa siya sa maraming mga gurong patuloy na humuhubog sa aking pagkatao kaya naman siya ang gagawin kong inspirasyon upang matupad ko din ang aking pangarap, at ako'y nandoroon na...malapit na-ang pagiging guro. Sila ang aking tagatasa't hindi mga ordinaryong mga teachers lamang kaya't minabuti ko na tawagin silang "the SHARPENERS".
Kung titignan natin isang mahigpit at simpleng ang baguhan na propesor si Ms. Rainilyn Leonardo, unang taon pa lamang niya sa BulSu. siya ay nagtapos bilang cum laude sa kursong edukasyon na nagpakadalubhasa sa Matematika sa Bulacan State University.
21 taon lamang siya noong unang magturo halos kaka-graduate lamang niya sa kolehiyo. Taong 2010 ng siya'y unang magsimula sa kolehiyo at 'yun ay sa kanyang alma mater, isang karangalan at tuwa na matanggap siya sa BulSu upang magturo ng subject na Matematika. Lubhang magaling magturo si ma'am hindi s'ya nakakatakot o nakakaantok o magturo dahil siya ay masiyahin at mapagbiro. Dahil doon ang kanyang pagtuturo ay lubhang may tawanan at kulitan.
Pero iba na ang usapan pag ang mga estudyante na n'ya ang usapan dahil ayaw niya na nadedehado ang mga ito lalo na sa pagtuturo niya dahil ang gusto niya lahat ng estudyante ay natututo. Ayaw niya rin na nagkokopyahan lalo na sa exam.
Gusto niyang tumagal pa sa pagtuturo sa BulSu hindi lang dahil ito ang kanyang alma mater kundi dahil mahal niya ang pagtuturo lalo na kung mababait at masipag o madadaling matuto ang mga ito, masaya rin syang makita tayong natuto sa kanya at mas masaya siya kung makita niya tayong grumaduate at tumanggap nang diploma dahil sa tagumpay natin sa pagtatapos dahil sa pagsisikap na mapaunlad at mapalawak ang ating kaalaman.
* Mapagpasensiya Dahil sa iba't ibang ugali ng mga estudyante, hindi maiiwasan ang mga pagkakataon na nawawalan ng pasensiya ang isang guro kapag nagiging pasaway ang mga ito. Kailangan ay may kontrol sa sarili upang hindi makagawa ng makakapanakit dito at upang maiwasan ang mas malaki pang problema.
* Tiyaga Hindi lahat ng mga tinuturuang estudyante ay madaling makaunawa. May mga ilan na hindi agad nakukuha ang itinuturo ng isang guro lalo pa at ayaw talagang makinig ng bata. Isa pa kaya dapat maging matiyaga ng isang guro ay dahil sa pagiging tamad ng estudyante. Sa panahon natin ngayon ay maraming kabataan na ang tamad nang mag-aral dala ng mga makabagong taknolohiya tulad ng cellphone, computer, PSP, atbp. na naka-iimpluwensiya sa mga kabataan. Inaabot pa sila hanggang magdamag.
Isang magandang halimbawa ng mga katangiang ito ay si Mr. Josefino Pascual
DESCRIPTION: our biology professor BEHAVIOR: mabait, pasensyoso, on time sa klase ABOUT HIM: 53 taon na siyang nagtuturo bilang guro. Hindi siya nahihirapang magturo at nag-eenjoy pa siya. Kapag nakita niyang nagtagumpay ang kanyang naging estudyante ay nakakaramdam siya ng fulfillment. Ayon sa kanya, sapat lang sa pang-araw-araw niyang pangangailangan ang kanyang kinikita. Maliban kasi sa pagiging guro ay wala na siyang ibang pinagkakakitaan. Siyempre, gusto rin naman niyang kumita ng malaki ngunit sa ngayon ay kuntento na siya rito. Ayaw na muna niyang mangibang-bayan dahil marami pa siyang gustong patunayan sa kanyang sarili dito.
Sa aking pagtatanong na ang pamilya ni Sir. Crisanto noon ay isang mahirap lamang na kung saan hindi kayang tustusan ng kanyang magulang ang pagaaral niya at ng kanyang mga kapatid, sapagkat maliit lamang ang kinikita ng kanyang mga magulang,..
Hanggang sa dumating ang puntong namatay ang kanyang ama.
Dahil dun nag sumikap si Sir. Crisanto para sa kanyang pamilya at para sa kanyang sarili,
naghanap siya ng pagkakakitaan,nagawa niyang maglako tuwing umaga ng pandesal., nagtitinda siya ng saging, at kung sa hap0n naman ay tumutul0ng siya sa pagtitinda ng mga kakanin, sa paraang iyon nakatutul0ng siya sa kanyang ina.
Si Sir. Crisanto ay nagtiis sa araw araw na ganitong trabaho, para lang sa kanyang pag aaral, dagdag pa dito napag alaman ko na sumasali siya sa mga paligsahan sa pagpipinta, na kung saan nagagawa niya na laging manalo dahil sa kanyang dedikasy0n sa sarili, hanggang nakatapos siya ng sekundarya. Kumuha siya ng eskolar para lang makatuntong sa kolehiyo, hanggang sa makapagtapos at makapagsimula siyang magtrabaho bilang isang guro.,sa pagpipinta.
Ilan sa mga kanyang mga ipininta.
Si Sir. Crisanto ay nagasawa sa edad na 23. At ang kanyang may bahay nasi Cinaltada De Leon ay edad na 27 nang sila ay nagsama, na biyayaan sila ng tatlong anak.
Masaya si Sir. Crisanto sa bunga ng kanyang PAGSASAKRIPISYO para sa kanyang pamilya, PAGTITIYAGA sa pagtatrabaho at PAGSUSUMIKAP na makamit niya kung ano siya ngayon.
Isa ito sa magandang halimbawa sa ating buhay na wag tayong mawawalan ng pag asa. At lagi lang tayong manalig sa Diyos na maykapal . Kay bro' :D
Sino nga ba si Dr.Rosalina L. Joson o mas kilalang Ma'am Joson,Siya ay nagtuturo sa Bulacan State University at siya ay aming guro sa filipino 113a,Siya ay 64 taong gulang na,nakatira sa Sta Isabel,Ang kanyang nakaisang dibdib ay si Ginoong Benjamin Joson Jr,Biniyayaan sila ng limang anak.Nagtapos ng Elementarya sa Balagtas Central School,ng Sekondarya naman ay sa Meycuayan Institute at sa Far Eastern University ng kolehiyo.ang pagtuturo talaga ang kanyang gusto mula ng bata siya pangarap niya ng maging isang guro pag laki niya,ng maipasa niya ang board exam ay ang una niyang pinaglingkuran ay Francisco Balagtas Academy na ngayon ay Yanga na.
Ngayon tapos ko ng ipakilala sa inyo si Ma'am Joson ,Pag-usapan naman natin siya bilang isang Guro,nang una ko siyang makita unang tingin ko ay MATARAY at MATAPANG pero nagkamali ako dahil mali ang aking hinala,Siya ay mabait na guro,hindi ka aantukin sa kanyang klase at marami kang matututunan, hindi lang sa kanyang itinuturo,kundi tungkol din sa mga bagay na hindi mo alam,siya yung guro na seryoso man pero pag oras ng kanyang pagtuturo hindi siya yung seryoso sa buong oras ng klase,nagpapatawa pa rin siya upang hindi kami tamarin o antukin sa kanyang klase.Ang pinakaayaw niya sa isang mag-aaral ay bastos at mayabang.Siya yung tipo ng guro na hindi pumapayag na mabastos ng estudyante at hindi rin naman siya yung Guro na pahihiyain ka kahit mamali ka sa tanong niya bagkus ay itatama ka o sasabihin niya ang tamang sagot ,may ibang guro kasi na pag namali ka o hindi nakasagot sa kanilang tanong eh papagalitan ka pa imbis na ituro tamang sagot. Ngayon siguro sa pamamagitan nito ay naipakilala ko na sa inyo ang aming butihing guro na Si Dr.Rosalina L. Joson,bago matapos itong aking isinulat,gusto ko ring sabihin ang payo ni Ma'am Joson sa mga estudyanteng tulad ko na kumukuha ng kursong edukasyon " kailangan mag-aral ng mabuti,may magandang asal at higit sa lahat dapat may ugali ng tunay na guro na tutularan ng mga estudyante,dahil ang guro ay isang modelo"
Nagtapos din sya ng sekondarya sa Valenzuela Municipal High School.
Sya ay 36 taong gulang na.
Ang maswerteng napangasawa nya ay si Sylvia G. Pineda.
Si Gng. Sylvia ay 35 taong gulang na.
Nagkakilala silang dalawa ng dahil sa "friendly date"
"Take note"!sinet up ng mga college friend nila ung date nila?!! kakakilig nu??!!! :)
At dahil sa limang taon na silang nagsasama mayroon na silang dalawang supling at parehong babae.
Magaling siyang magturo madami kang matututunan sa kanya tulad ng "aray kuu","galing nohh?","WWOOOW!",at ang pinaka magandang natutunan namin sa kanya ay ang "tara inom naah!" na sasabayan pa ng liyad.Ito ay isang patalastas sa telebisyon na "White Castle".
Masaya syang magturo na talagang mageenjoy ka at matututo pa!
Madami syang ginagamit na estratihiya ng pagtuturo na talagang hindi ka maiinip.
Isa din siyang propesor sa Bulacan State University sa Malolos,Bulacan.
Ang kanyang subject na itinuturo ay Filipino.
Siya ang isa sa mga guro na hindi ko makakalimutan! :)
The BEST among the REST Orlando D. Pineda..... .SENXiA NA PFUh MAiGSi UE ! :D