Tuesday, August 17, 2010

Si Dr. Rosalina L. Joson (Sino nga ba siya?)

   Sino nga ba si Dr.Rosalina L. Joson o mas kilalang Ma'am Joson,Siya ay nagtuturo sa Bulacan State University at siya ay aming guro sa filipino 113a,Siya ay 64 taong gulang na,nakatira sa Sta Isabel,Ang kanyang nakaisang dibdib ay si Ginoong Benjamin Joson Jr,Biniyayaan sila ng limang anak.Nagtapos ng Elementarya sa Balagtas Central School,ng Sekondarya naman ay sa Meycuayan Institute at sa Far Eastern University ng kolehiyo.ang pagtuturo talaga ang kanyang gusto mula ng bata siya pangarap niya ng maging isang guro pag laki niya,ng maipasa niya ang board exam ay ang una niyang pinaglingkuran ay Francisco Balagtas Academy na ngayon ay Yanga na.
     Ngayon tapos ko ng ipakilala sa inyo si Ma'am Joson ,Pag-usapan naman natin siya bilang  isang Guro,nang una ko siyang makita unang tingin ko ay MATARAY at MATAPANG pero nagkamali ako dahil mali ang aking hinala,Siya ay mabait na guro,hindi ka aantukin sa kanyang klase at marami kang matututunan, hindi lang sa kanyang itinuturo,kundi tungkol din sa mga bagay na hindi mo alam,siya yung guro na seryoso man pero pag oras ng kanyang pagtuturo hindi siya yung seryoso sa buong oras ng klase,nagpapatawa pa rin siya upang hindi kami tamarin o antukin sa kanyang klase.Ang pinakaayaw niya sa isang mag-aaral ay bastos at mayabang.Siya yung tipo ng guro na hindi pumapayag na mabastos ng estudyante at hindi rin naman siya yung Guro na pahihiyain ka kahit mamali ka sa tanong niya bagkus ay itatama ka o sasabihin niya ang tamang sagot ,may ibang guro kasi na pag namali ka o hindi nakasagot sa kanilang tanong eh papagalitan ka pa imbis na ituro tamang sagot.
     Ngayon siguro sa pamamagitan nito ay naipakilala ko na sa inyo ang aming butihing guro na Si Dr.Rosalina L. Joson,bago matapos itong aking isinulat,gusto ko ring sabihin ang payo ni Ma'am Joson sa mga estudyanteng tulad ko na  kumukuha ng kursong edukasyon " kailangan mag-aral ng mabuti,may magandang asal at higit sa lahat dapat may ugali ng tunay na guro na tutularan ng mga estudyante,dahil ang guro ay isang modelo" 













                                                                                                                        




Ma.Teresa D.A Eligio
                                                                                                                              BSEd 1-I

1 comment:

  1. totoo ba? xa b ung school admin ng bulsu?

    ReplyDelete