Kung titignan natin isang mahigpit at simpleng ang baguhan na propesor si Ms. Rainilyn Leonardo, unang taon pa lamang niya sa BulSu. siya ay nagtapos bilang cum laude sa kursong edukasyon na nagpakadalubhasa sa Matematika sa Bulacan State University.
21 taon lamang siya noong unang magturo halos kaka-graduate lamang niya sa kolehiyo. Taong 2010 ng siya'y unang magsimula sa kolehiyo at 'yun ay sa kanyang alma mater, isang karangalan at tuwa na matanggap siya sa BulSu upang magturo ng subject na Matematika. Lubhang magaling magturo si ma'am hindi s'ya nakakatakot o nakakaantok o magturo dahil siya ay masiyahin at mapagbiro. Dahil doon ang kanyang pagtuturo ay lubhang may tawanan at kulitan.
Pero iba na ang usapan pag ang mga estudyante na n'ya ang usapan dahil ayaw niya na nadedehado ang mga ito lalo na sa pagtuturo niya dahil ang gusto niya lahat ng estudyante ay natututo. Ayaw niya rin na nagkokopyahan lalo na sa exam.
Gusto niyang tumagal pa sa pagtuturo sa BulSu hindi lang dahil ito ang kanyang alma mater kundi dahil mahal niya ang pagtuturo lalo na kung mababait at masipag o madadaling matuto ang mga ito, masaya rin syang makita tayong natuto sa kanya at mas masaya siya kung makita niya tayong grumaduate at tumanggap nang diploma dahil sa tagumpay natin sa pagtatapos dahil sa pagsisikap na mapaunlad at mapalawak ang ating kaalaman.
Micha Joy Rejano
The Blogger
No comments:
Post a Comment