KATANGIAN BILANG ISANG GURO
* Mapagpasensiya
Dahil sa iba't ibang ugali ng mga estudyante, hindi maiiwasan ang mga pagkakataon na nawawalan ng pasensiya ang isang guro kapag nagiging pasaway ang mga ito. Kailangan ay may kontrol sa sarili upang hindi makagawa ng makakapanakit dito at upang maiwasan ang mas malaki pang problema.
* Tiyaga
Hindi lahat ng mga tinuturuang estudyante ay madaling makaunawa. May mga ilan na hindi agad nakukuha ang itinuturo ng isang guro lalo pa at ayaw talagang makinig ng bata. Isa pa kaya dapat maging matiyaga ng isang guro ay dahil sa pagiging tamad ng estudyante. Sa panahon natin ngayon ay maraming kabataan na ang tamad nang mag-aral dala ng mga makabagong taknolohiya tulad ng cellphone, computer, PSP, atbp. na naka-iimpluwensiya sa mga kabataan. Inaabot pa sila hanggang magdamag.
Isang magandang halimbawa ng mga katangiang ito ay si Mr. Josefino Pascual
DESCRIPTION:
our biology professor
BEHAVIOR:
mabait, pasensyoso, on time sa klase
ABOUT HIM:
53 taon na siyang nagtuturo bilang guro. Hindi siya nahihirapang magturo at nag-eenjoy pa siya. Kapag nakita niyang nagtagumpay ang kanyang naging estudyante ay nakakaramdam siya ng fulfillment. Ayon sa kanya, sapat lang sa pang-araw-araw niyang pangangailangan ang kanyang kinikita. Maliban kasi sa pagiging guro ay wala na siyang ibang pinagkakakitaan. Siyempre, gusto rin naman niyang kumita ng malaki ngunit sa ngayon ay kuntento na siya rito. Ayaw na muna niyang mangibang-bayan dahil marami pa siyang gustong patunayan sa kanyang sarili dito.
No comments:
Post a Comment